Hypnotherapy FAQ
Ano ang Hypnotherapy?
Ang Hypnotherapy ay isang proseso ng paggamit ng hypnosis upang kausapin ng mas malalim ang pag-iisip ng isang tao upang mas maging bukas sa mas positibong pagbabago sa buhay. Kung may mga gusto kang baguhin sa iyong pag-uugali o pananaw sa buhay, maging kalmado o relaxed -maaring mainam ang hypnotherapy sa iyo.
Ang Hypnosis ba ay parang “budol-budol”?
Ang hypnosis ay isang state kung saan ang pag-iisip nasa relaxed state o tinatawag na trance. Sa normal na pagkakataon tayo ay nakakaranas ng natural na trance mga dalawang beses isang araw: bago makatulog at paggising sa umaga. Sa ilalim ng trance, ang pasyente ay alam ang nangyayari sa paligid nila, hindi tulog o unconscious at lalong hindi nasa ilalim ng mind control. Ang mga nasa ilalim ng hypnosis ay natatandaan ang lahat ng nangyari sa session. Ang pasyente mismo ang magdi-desisyon kung anong aspeto ng buhay nya ang babaguhin habang nasa ilalim ng isang hypnotherapy session.
Sa kabilang dako naman, ang gawain ng mga taong “budol-budol” ay tinataranta ang biktima sa pamamagitan ng “sense of urgency o “time pressure.” Ang biktima ay hindi relaxed, bagkus ay minamadali at nililito -sa puntong hindi na ito makakapag-isip ng maayos. Sa gitna ng pagkalito, ang biktima ay susunod nalang sa kung anong sasabihin ng kawatan.
Sa madaling salita, ang hypnosis ay hindi kailanman ginamit sa mga gawain na tulad ng budol-budol o dugo-dugo.
Kung ako ay magpapa-hypnotize, ako ba ay uutusan gumawa ng mga bagay na hindi ko gusto o sabihin ang mga sikreto ko?
Hindi.
Sa ilalim ng hypnosis, hindi ka kailanman gagawa ng mga bagay na labag sa iyong paniniwala o moralidad. Walang hypnotist ang makakapagpilit sa iyo na gumawa ng mga bagay na ayaw mo. Kailangan ikaw mismo ang may kusang loob na magbago o maging tapat kung talagang gusto mo.
Ano ba ang maaring magamot ng hypnotherapy?
Maaring makatulong ang sa mga depressed o anxiety, hindi makatulog, may mga problema sa relasyon o pamilya, may gustong baguhin sa pag-uugali, mga lifestyle change tulad ng pagtigil sa paninigarilyo o magbawas ng timbang. Maari din ang hypnotherapy sa mga taong gustong mapataas ang tiwala sa sarili o mapaganda ang pananaw sa buhay.
Ang hindi maaring isailalim sa hypnotherapy ay ang mga sumusunod: mga taong may sakit sa pag-iisip o psychosis, may diabetes, mga buntis, may sakit sa puso o pagkalulong sa droga. Kailangan munang ikonsulta sa inyong duktor kung maaring maging supplementary treatment ang hypnotherapy.
Here is a sample video by our mentor, Igor Ledochowski, creator of the "power of conversational hypnosis home study program"
Safe ba ang hypnotherapy?
Tulad ng nasaad, lahat tayo ay sumasailalim sa hypnosis o trance state araw-araw. Maaring ito ay habang nakatanaw ka sa malayo at nag-iisip ng malalim, o nakikinig ng musika na tila dinadala ka sa ibang lugar at napapakanta ka o napapasayaw ng hindi mo namamalayan. Maaring ito rin ay habang nagdarasal ka ng taimtim. So madaling sabi, wala pang tao ang napahamak sa pagsasailalim sa isang hypnotherapy lalo na’t kung magaling ang ginamit na approach ng isang Certified Hypnotherapist sa kaso mo.
Magkano ba at ilang session ba ang kailangan para sa kaso ko?
Ang aming regular na rate at P2,500 lamang per session, o P7,000 for 3 sessions -depende sa kasong tutukan ng hypnotherapy session. Ito ay mas matipid na dahil karaniwang isang session lang ang iyong kailangan upang masolve ang isang kaso. Pinakamadalas na ang magkaroon ng ikatlong session.
Call us for more affordable rates.
Kailangan po ng ADVANCE APPOINTMENT: Upang magpabook ng isang session, kontakin lamang si Ms.Maribeth Brown through cell: 0917-378-9386 o Facebook: https://www.facebook.com/Counseling.HypnotherapyPH/